Oh, you might wanna know: visited my blog since last year.

araceli, candice, cathrel, czarlaine, dan, daniel, eileen:b, felicia, iman, janelle, jewjew, jhoi, jiayi, kylie, leonille, nika, pamela, sylvia, yikthong, yingying, zehr

book-forum, american idol, blogskins, drama wiki, facebook, facebuko, fanfiction.net, friendster, google, hotmail, idol forums, fanfiction.net, mcfly philippines, google, sum41, twitter, wikipedia, youtube

credits

xo xo xo xo xo xo

Friday, January 22, 2010 @ 8:02:00 PM

So, here it is. Will type na whatever happened during that day (January 20, 2010, wednesday). I think I will start telling about PE time. I guess...


Nung nagbibihis kami sa may SCO office (Vala + Joelle), kumakanta na kami ng Halik (Aegis), and ayun na nga, may balak silang kantahin yun sa Karaoke Hub. Then ayun, pagbalik sa room, mejo nakaramdam ako ng kunting gloom. I mean, yung atmosphere, there's something wrong. Though I'm not sure kung ano man yun. Tapos ayun na nga, nabanggit na ni Sir Nero yung project sa Health. Siguro yun yung mejo ikinalungkot ko. Okay, I know mas madali ng bonggang bongga yung family tree. And I really prefer that over the play. But I just... ewan. Hindi kasi ako close sa maternal side ng family ko. As in, hindi ko talaga alam ano mga pangalan nila. And so ayun, tapos papunta na kami sa may volleyball court. Ayun, nasabi rin pala ni Sir bago kami pumunta run na mageextend kami hanggang 4. Tapos nakita ko sasakyan namin, si daddy, mga 2:30 dumating. Ang aga. Tapos maghihintay siya ng isa't kalahating oras (breaks my heart). Tapos ayun, nung may laban laban na, nanalo kaming group 6 vs. group 5. Tapos ayun, ayun na nga, nakalimutan ko sino nagsabi na kasama rin sa pupunta sa SM na parang "maglalaro kami" na parang excited na masaya pa. And ako naman, basta, kasi, sila naman, hindi naman nila tatay yung pinaghihintay nila eh. Kaya ok lang sa kanila. Ako naman, as a daughter, a spoiled daughter btw, hindi ok yun as to birthday ko yun first of all and wala na kaming oras pa. Grr.


Tapos ayun na nga, pagkadismiss ni Sir, alis agad ako. Kasi nga gusto ko nang puntahan daddy ko. Nung pabalik na ako ng room, gusto ko umiyak, kaso may bigla akong nakita kaya pinigilan ko na lang, ayoko rin namang makuha pa ang attention nung nakita ko (erm). Tapos ayun, emo ako dun sa room. Ako lang magisa. Patay ang ilaw. Bongga. Mga ilang minuto rin ang lumipas bago ako umalis and ayun na nga, dahil malakas yung volume ng nakasaksak sa tenga ko, hindi ko narinig or napansing hinabol na ako nila Anne and Larah (since nung palabas ako ng room, nabangga ko ng bonggang bongga yung chair malapit kay Anne at mukhang napansin nia na bad trip na ako). Tapos ayun, nanood ako ng So long Goodbye (Sum 41) sa sasakyan (through my ipod, this video btw) Tapos ayun, nafeel ko na nasumakay na sila and kinocomfort na nila ako.


Speechless talaga ako kasi hindi ko alam kung paano ako magsasalita. As in ang tagal na kasing naghihintay ni daddy eh. Tapos sayang din yung oras. Tapos ayun, nung mejo, mejo, nahimasmasan na ako, lumipat ako sa gitna ng FX (nasa likod ako nanood) tapos ayun, pinakita nila sa'kin yung reason kung bakit ang tagal ng vala (pero iba rin yung tagal ng Vala. Iba rin yung initial reason bakit ako umiyak). Ito pala yung pinakita nila:(No, hindi kasama yung frog sa gift nila, iba yung nagbigay kay Dougie--yes, Dougie yung name ng frog, isn't it cute? xD)


Tapos ayun, actually, nung nakita ko yun, napasmile ako. I mean, they freaking put next to each other the pictures of my two current love (except kay Paolo Ballesteros, wala kasi eh, paliwanag ni Jonah nakalimutan niya raw sabihin kay Anne. Awww. Pero ok lang, siya naman wallpaper ko sa cellphone and iPod, waha.). So, ayun, napasmila na nila ako talaga. Ok na ako, tapos ayun na nga. Lagayan na ng mga bags and picture picture na sa sasakyan. Then OTW to SM Sta. Mesa na!


Nung nasa entrance na kami ng parking, ayun, bonggang bonggang nagspeech ung mga tao tao na ngayon lang daw sila makakapasok sa SM Sta. Mesa (sila Larah, Mia...) tapos nung paakyat na kami, eh diba paikot yun, tapos siksikan pa kami, ayun, grabeng tilian na parang nasa roller coaster kami. xD katuwa.


Tapos pagkapark nung sasakyan, picture picture pa sa may parang "balcony" or whatever. Katuwa rin. Nung papunta na kami sa mga cinemas, napaiyak si Cesar kasi raw hindi cya makarelate samin. Tapos yun, kinomfort namin cya ng bonggang bongga. Then, ayun, sa bawat pagbaba namin sa escalator, picture picture. Katuwa, talagang chinecherish every moment.


Then, PIZZA HUT na. Ayun, kainan. duh. xD Katuwa kasi kinain namin, 6 na pizza. Pizza lang pero busog na kami (Cheesy Pops : Hawaiian, Family size Hawaiian-sa pan lang, Super supreme: family size 2x, BBQ Ribs : family rin, Veggie lover: family rin--para kay Jenina). Tapos ayun, iba ibang kalokohan. Ang ingay namin, super! Si Jonah and Cesar (and Joy) paunahan sa pagubos ng Iced Tea (bottomless naman eh, kaya ok lang xD) Tapos dumating na nga yung iba pa (iba pang Anknowns). Then ayun. Picture picture. Video video. Daldalan. Tawanan. Grabe, ang ingay namin. Si daddy naman nakahiwalay ng table. Siguro ayaw makagambala.


and by the way, mejo may itsura yung isang waiter dun, yung hindi nagseserve nung iced tea lagi kay cesar-i mean, sa lahat. basta. yung isa!


Tapos ayun, busog kaming lahat ng bonggang bongga kahit puro pizza lang kinain namin. Nakakabusog na. Tapos next stop, KARAOKE HUB!


Grabe, mukhang ang haba na ng post na ito, siguro isasummarize ko na lang yung mga bagay bagay na nangyari sa Karaoke Hub:


I. MGA KINANTA (Courtesy of ima4ever)



  1. Halik (Kanina pa talaga balak kantahin)

  2. Total Eclipse of the Heart (bigay na bigay ako na super rinig na boses ko- no doubt na napaos talaga ako)

  3. Complicated

  4. Bakit nga ba Mahal Kita? (ouch! OUCH! OOOOOUCH!)

  5. Because You Loved Me

  6. Paano (duet ni IYA & LARAH .. sila lang nakakaalam ee .)

  7. If I Let You Go

  8. It’s My Life (GLEEEE!)

  9. Crazy For You (Soon din sa Glee. weee)

  10. 25Minutes — last song nila Iman & Aileen :( (pagkatapos na nito, umalis na sila Iman, Aileen, and Mia)

  11. Somewhere I Belong

  12. Kabet (duet ni Nica at Jinni; bigay na bigay ang lahat sa rap. grabe xD Ito ang isa sa mga few rap songs na nagustuhan ko. Ang ganda ng chorus eh. Ang ganda ng voice ni Kyla.)

  13. Tukso (xD seriously)

  14. Maybe

  15. I’d Rather

  16. I will Survive (Jonah and Cesar’s VERSION; ye bah!)

  17. Baby One More Time (si Marianne kumanta :)

  18. GLAMOROUS

  19. Crawling

  20. I don’t wanna miss a thing (DYK this is my first ever favorite song?)

  21. YMCA (Pinakamemorable para sakin. Nakakatuwa yung pagsayaw ng lahat. Tapos sila Anne nasa labas rin ng room pero sumasayaw din. Katuwa)

  22. In the END ..

  23. GIRLFRIEND (Jonah and Cesar again xD)

  24. Happy Birthday Song to AIKA (Nagulat ako rito, in fairness, at nakisabay na rin sa pagkanta nila na parang hindi ako yung may birthday xD)

  25. DON’T STOP BOOKKEEPING este BELIEVING pala :) (The Last Song; ang balak ko sanang last song The Heart Never Lies - McFLY kaso masyadong malungkot --- yes, MY HEART NEVER LIES SA KARAOKE HUB SA SM STA. MESA)


II. YUNG YMCA/IN THE NAVY NGA


Masyado siyang memorable not to mention.xD Lahat talaga sayaw to the max. xD


III. YUNG KWARTO MISMO


Nung una, akala ko hindi kami magkakasya. Tama hula ko, hindi nga kami nagkasya. Well, nagkasya pero siksikan kami as in super init sa loob na nakahinga lang kami ng maluwag nung maisipan na ng iba na sa sahig na umupo xD. Pero ok lang. Oh, and by the way, Sydney pala ung room namin. wahah. wala lang. Sydney, de bah?


IV. MGA TAO TAO SA LABAS


Nakakatuwa nung lumabas na sila Cesar, Jonah, Larah, Anne, and Fatima. Wala lang. Katuwa. Wahaha. Tapos sisilip silip sila sa bintana tapos wala. Katuwa. xD


So ayun. Two hours kaming nagkaraoke. Tapos ayun na nga. Tapos na. Pauwi na kami. Katuwa nanaman at nagpicture picture sa may balcony something something kasi ang ganda ng city lights and the stars and the moon na nakasmile raw kaso birthday ko. Tapos nung pababa na kami ulit, katuwa. wahaha. Roller coaster ulit. Tapos ayun, nung nasa may tapat na kami ng SM Sta. Mesa, bumaba na sila ng FX. Tapos pagkababa nila, sabi ko agad kay daddy na dalian yung paguwi para maabutan ko pa The Last Prince---ay, speaking of! Bago pala kami bumaba sa may "dome"--waha, ayun nga, nabanggit ko yung the last prince and ayun, wala lang, nabanggit ko ng bonggang bongga na hindi si Aljur ang inaabangan ko run. Kundi si Michael Jackson. Wahaha. Este, Anexi pala. xD Ayun.


So paguwi, ayun, naabutan ko pa The Last Prince. Nakita ko pa yung wife ko. Waha. Wife. Katuwa. Reminder ulit: Yung wife na tinutukoy ko ay isang lalaki. Magandang lalaki. PERO HINDI SIYA BADING AND YUN YUNG SABI NIA. So kung ayaw mong maniwalang hindi siya bading, katulad nga ng sinasabi ng mga kapwa ko Lamb Skank and Kradamite nung April-May, haters to the left.


So ayun, nagstay nga pala si daddy hanggang matapos Full House which is getting interesting as to gusto ko talaga yung part na si Justin na ang nagseselos.


Wee!


Ok, end.


p.s.


WATCH THE LAST PRINCE AND FULL HOUSE AFTER DARNA ON GMA TELEBABAD, EVERY WEEKDAYS NIGHT. thanks.



+ add comment (0)