NP: You found me (Studio version) – Matt Giraud.“Lost and insecure—“ yeah right. Gusto ko gumawa ng post. New blog post. I’m bored at marami akong gustong ishare na kamalasan ngaun. MALAS talaga. Dang. Okay, 6:07 in the morning, tiningnan ko sa cellphone ko kung anong oras na b kasi nasa kama p rin ako at wala pa ring gumigising sakin. So ayun, nagtagal, 6:13, wala pa rin. Bumangon na ako. Grabe. Katamad. Mejo maganda ganda panahon. Di katulad kahapon. Kaya kainis, kasi sure na hindi masususpend ang klase. Grr. May report pa naman ako sa O.P. Maya na ung tungkol sa OP. Tapos ayun nga…
NP: I will remember you – Ryan Cabrera.Pagdating ko ng school, una kong ginawa is pumunta ng west wing para bumili ng papers para sa report ko sa O.P. Yes. Papers. Wala na akong time para maglatag at magtupi tupi pa ng cartolina or manila paper. Pasaway kasi ako. Hindi ako gumawa ng visual kahapon kahit nasuspend na (kasi naman eh, nagmamadali na akong umuwi kahapon para makanood ng eat bulaga. Nakanood naman ako, as usual, nandun si Paolo. Hehe. Ewan ko ba. Adik pa rin ako… nakablue nga cya eh… XD okay, back to visual aids). Kaya ayun, meron akong 1 and ¼ hours para gumawa ng visual aid. Sinimulan ko na. Hanep na yan. Kaliit ng sulat ko. Feeling ko tuloy hindi makikita ng mga tao sa likod ung sulat ko—para bang… “Bakit pa ako nagvisual aid kung maliit din naman ung font?!” Ganun. Tahimik sa room. Nagrereview ang mga tao para sa World Histo. 60 items. Kagulat gulat. Kasi kadalasan 34 ang items. Yes. 34. Hindi 30. Hindi 35. 34.
NP: Can’t cry hard enough – Bellefire.Ayun nga. Sabi ko napakatahimik sa room na kunting ingay lang ay marami na ang sumisitsit. Nainis ako. Kasi okay lang na may sumasaway sa mga nagiingay pero mejo umo-OA na ung pagsasaway ng iba. Yung parang pabiro ba. Basta. Yung iba kasing pagsaway okay lang kasi mukhang seryoso talaga silang gusto nilang manahimik. Pero ung iba. Grr… So ayun, hindi ako nakapagreview at sige lang sa paggawa ng wala ring kwentang visual aid. No surprise kung ang binigay sakin ng mga klasmeyt ko sa visual aid ay 75 percent. Gawin nang 80 percent, makulay naman eh. Haha. Ayun. Dumating na ung ST naming lalaki sa OP at PA. Sir Amiel ata un. Ay oo. Amiel nga. Tapos pinagreport na si Jade. Reporting… -_- biglang napunta ang usapan kung saang side ba ng table dapat nakalagay ang telepono. Kung sa left ba. Or sa right.
NP: Ready, Set, Go! – Tokio Hotel.Ayun. Wala lang. Erm. Okay. Naalala ko lang na “right” pala ang tawag sakin ni “left.” Haha. Nakakatawa naman. Haha—parang hindi talga eh, noh?! So ayun nga. Tapos binibigyan na ako nila P1 and P2 ng thumbs up. Grr. For special mention. -_- Okay lang. Bakit naman ako maaapektuhan. So OA ko naman kung mageemote ako dahil lang dun. XD So ayun, nagpatuloy pa ung report ni Jade. Ay. Nakalimutan ko sabihin na ang telepono pala, sa offices, kailangan sa left side daw kahit kasi karamihan satin ay “kananete,” para pag magtetake down notes ka, makakasulat ka. Pero sabi ni ma’am, kahit kaliwete raw, kelangan nasa left side pa rin ung telepono. So…
NP: Go Home Monday – Call me when I’m 18. (yes, yung go home Monday ang title ng kanta)So. Ayun nga. Ako na magrereport. Gush. Sabi ko na nga ba walang kwenta rin ung pinaggugulan ko ng ilang minuto na visual aids. UGH! Pero okay lang, makulay naman eh, at saka cute. XD Anchuchu ko. Tapos ayun, report. Wla. Kung anu ano na lang pinaggagawa ko. Una, papabasa ko muna sa mga klasmeyts ko ung nasa book tapos mageexplain ako, kuno, or parang tinagalog ko lang ung nakalagay. But anyway, nagbigay rin naman ako ng reasons or something. Basta. Pero ung visual aid talaga pahamak. At saka… err.. I don’t really feel comfortable sa tpat ng klase. Parang ung feeling ni Mia sa Princess Diaries Movie (ung first) nung idedefend na nia ung side nila sa debate. Like that. Pero hindi naman ako nasusuka… well sort of. Maybe because of nervousness… and shyness… hala. Shy daw. XD
NP: What’s Up – Adam Lambert.Tapos ayun, natapos na report ko. Tapos na rin time sa OP. Yey. May quiz sa OP bukas, hindi kasali ung mga nagreport (me, cheatm8, joy, and jade). Yehey. XD okay. Give me time to enjoy happiness. Lumong lumo na nga akong araw eh. Okay, move to PA! PA, PA. Okay lang naman. Tinuloy naming ung Work Sheet. Haha. Kaduling! Grabe. Para akong naloka kanina na puro line na red at blue na lang nakita ko na may mga numbers. It’s like a nightmare. A beautiful nightmare—since natapos ko nang malinis ung pinagawa ni sir. Hehe. AND hindi ako natawag na Ms. Carabao. XD Kasi nalagyan ko ng name ung worksheet =) Yehey. So ayun nga, kasi maaga aga naming natapos ung sa work sheet, dinismiss na ni sir ung klase ng maaga. Yehey. That means pde akong maghintay sa red panda.
NP: 21 Guns – Green day.Red Panda. Dun ako bumili. Chicken. Namen. Madalas naman chicken eh. Ayoko ng pork. May buto. Ayoko ng fish. Maalat. Ayoko ng siomai. Ayoko kasi XD. Chicken gusto ko. Hehe. Tapos ayun, nauna na ako kanila Jonah kasi nga matagal pumila sa red panda. Ayown, nauna na nga ako e naunahan pa rin ako nila mommy Joan sa Charlie. Okay lang. Kahit papano dala ko pa rin ung World History book. At least makakapagreview ako. Okay. Ngaun ko lang napansin na bawat kantang tumutugtog, mga 5-8 lines ung nagagawa ko. Ganun ba ako kabagal magisip?! O magtype?!!?! Oh no. Bumabagal n pala ako sa pagtatype @_@ Or maybe because nagoauto correct kasi. Gamit ko kasi ngaun Word. Hindi ako online. Naginternet na ako kanina eh nung English time (wala namang English eh, hihi). So. Wait, hndi pa tapos 21 guns! Yehey! Ede mahahabaan ko pa itong paragraph na ito. So ayun nga, balik sa pagkain, bumli na rin ako ng limang Cream-O Deluxe. Eight isa. Magkano un. Hindi 50. Hindi 45. FORTY. FORTY PESOS ang nagastos ko para sa biscuit na un. Okay lang, Macharap naman eh. Hehe. Super. Kaso hindi ko kinaya kaya binigay ko na lang kanila Iman ung iba. So ayun, bumalik na kami ng room. Review na. Grabe. Walang pumapasok sa utak ko. Bakit kasi biglang nadoble ung number of items sa World Histo? Hmm… XD
NP: All in your head – Rooney.Un nga. Review na. Grabe. Nagpuntahan agad ung mga tao sa Physics kahit maaga pa. Mga 11 palang ata may pumunta na ng Physics. XD And guess what, mga 11:25-ish, ako, si Iman, Jonah, at Larah na lang ang natira sa room (kasama rin sila Michael and Jerome pero may training sila eh). XD Grabe. Siguro akala ng mga tao na mas tahimik sa Physics. Ang tahimik kaya sa room nung kami kami nalang nila Jonah ang nandun. Pero hindi pa rin ako makapagreview. Walang pumapasok sa isip ko (hindi bagay sa NP ung sinasabi kong walang pumapasok sa isip ko. XD). So ayun. Pumunta na kami ng Physics. Grabe. Hindi ako nagshoe rags. Kasi talagang mukhang basahan na ung shoe rags ko na ang dumi dumi na walang silbi rin kung gagamitin ko kasi magdudumi lang din.
NP: Love me or Leave me – Rooney. (wow, two Rooney songs in a row, nakashuffle ung playlist ah!)Oh shoot. Tapos na ung Love me or leave me pero wala pa rin akong natype. Nagayos lang ng bag sandali. Parang cesspit na ung bag ko. Eew. XD Grabe. Napakaburara ko. Habang tumatagal lalo akong nagiging burara. Lalo akong tinatamad maglinis. Lalo akong nagtinatamad magaral tuloy.
NP: This is my now – Jordin Sparks.So back to shoe rags—I mean Physics. Wala rin. Niisa wala akong naintindihan. Mejo naparinig lang ako nung narinig ko ung ‘right.’ Torbucks. Kainis naman. Un pa rin. Right. Left. May forward pa and away. Sa electric field something. Wala lang. Narinig ko lang kanina. Tapos review ulet sa World Histo pero wala p ring pumapasok sa isip ko. Kaya nagkwentuhan na lang kami nila Jonah sa likod. Well hindi talaga ung total kwentuhan na wala nang pakels sa lesson. Meron pa rin naman. Hehe. Tapos ayun, kung anu ano na pinaguusapan namin. May EKLAVERT pa nga eh. Parang Introvert and Extrovert. Iba naman ung EKLAVERT. XD Basta.
NP: Gone – Kelly Clarkson.So ayun. May assignment. Okay lang. Nagawa ko na rin naman with the help of Big Fafa Alfredo Oscar Cesar Eskowts Dee Third. XD Okay. Hindi ako nangopya. Nagpaturo lang. :D so ayun. Next subject: WORLD HISTORY. This is it. Okay lang naman. Matagal tagal bago nagsimula ung test. Nagbasa kasi muna si Ma’am ng dyaryo (XD). Tapos ayun. Simula na ng test. Nakalimutan ko ung iba. Katulad nung Delian League ba un? Nakalimutan ko un. Pati ung mga nagsisimula sa TH (WHAT?! XD) na chuchu. Pati ung isa na nagsisimula sa E na may konek sa heart chuchu. 48 lang nakuha ko. 48 over 60. Kainis. Marami kasing sayang. Yung golden era nga pinalitan ko pa tama naman. Grr. Tapos ung Hippocratic Oath. Hippocrates ang nasulat ko. Yung Socratic Method. Socrates nasulat ko. Yung year kung kelan nagsimula ang Olympic Games, 776 B.C., ung 6 nabaliktad ko. Naging 9. 779. XD
NP: Come Home – Adam Lambert (beautiful rendition. You should try listening to it)So ayun. Napaspeech si Harvy na disappointed cya sa test. Disappointed din ako. Hindi sa test, kasi hindi naman mahirap—naka-57 nga si Mia eh XD. Disappointed ako sa sarili ko. Wala talgang pumasok sa isip ko sa mga nareview ko. Well, meron. Yung 48 items lang na natama ko ang pumasok. Pero… Grr. I know there’s something wrong kaya walang pumapasok sa isip ko. Ay. Oo nga pala. Hindi ko pa nadedeactivate ung bitterness ko na naactivate ko kahapon habang nasa loob kami ng Bulwagan… Okay, back to WH. Ayun. Pagkatapos ng World histo. Sabi nila wala raw English. So kahit walang English, balik pa rin ang TH sa dating gawi. Kumain between WH and English. XD May break kasi ng 30 minutes. Si Aubrey nanlibre. Pero gumastos pa rin ako. Para sa drinks. XD Ayoko kasing kumakain tapos walang drinks—ay, haha, parang kabaliktaran ng isa jan. XD So ayun…Uwian na. Wala pa ring umuuwi…
NP: When the day turns into night – Busted.Wala akong magawa kaya ginawa ko na muna ung assignment sa P6. Nasabi ko na kanina ung tungkol dun. So ayun, pagkatapos kong gawin, tinanong ni Mommy Joan kung sino ba magiinternet. Sabi ko, ako. So ayun, nagcomputer muna kami—since alam ko rin naman na 4:30 pa ang meeting sa BD. Naginternet. Tiningnan ko agad ung Blogskin. I’m not expecting for a SOTD (skin of the day), but I’m hoping na sana makuha ko na ung first SOTD ko… And my world fell. Hindi. Wala akong SOTD. I hate it. You know? Magwaone year na ako sa Blogskins and still no SOTD. Akala ko nga nung una ung Be Yourself kong template ay makakakuha ng SOTD. Pero no. Ngaun naman ung Another Galaxy ko na template ang ineexpect ko. Wala rin. Hay… Maybe the right (right nanaman) time will come. It will…
“I, I hate to say goodbye. It gets harder everytime. What I feel, you feel inside, when the day turns into night…”
Pumasok lang sa isip ko. Bagay talaga sa graduation ung when the day turns into night…
NP: Two is better than one – Boys Like Girls (Feat. Taylor Swift)OMG. Two is better than one. Nakakaadik talaga tong song na ito. Lalo na ung lyrics. Grabe. Parang ang sarap kantahin. Hindi ko alam. Wala lang. Trip ko lang sabihin… Hay. Pakinggan niu na lang. Such a beautiful song. I want to make a blogskin na two is better than one ung inspiration. But I’m still thinking of the concept. Maybe a two column navigational template. XD “TWO” is better than “ONE.” XD WEEEH. So ayun, balik sa blogskin, I mean sa pagiinternet, kinuha ko ung mga myths chuchu sa Greek Mythology, bad news. Nasave ko as .DOCX ung document. Pano ko mababasa un dito sa bahay?! Eh hndi naman 2007 ung Word dito sa laptop ko. -_- Tapos ayun, nagsearch ako ng “mary.” Song ng Scissor Sisters. Gus2 ko kasing mapakinggan. Wala. Remix ung nakuha ko. I want the original. Maybe bibili na lang ako ng cd nilang first…
NP: Boulevard of Broken Dreams – Green day.Pagkatapos maginternet, may nakita akong students sa may likod ng kindergarten ata yun, basta sa LHS. Nung una hndi ko balak puntahan kasi baka some barkada lang ung mga nandun. Nagulat ako, nandun si Joelle, si Marianne, sila Ephraim. Isa lang ibig sabihin. Nagmimeeting na sila. BD. Torbucks. Eh mga around 3:30-ish palang ata nun ah! Grrr… Okay lang naman. But one thing made me feel nervous that time. No. Hindi dahil napunta sa bubong ung shuttlecock nila Marino. May isa atang taong lumalayo sakin ngaun. Actually mejo napapansin ko na mejo tumitingin tingin cya sakin—well, hindi ko lang sure kung sakin ba talaga nakatingin un o sa mga katabi ko. Pero, ewan ko ba. Sige. Let’s hide that person sa name na “Cake” (it’s the first name na pumasok sa isip ko). Kasi, nung past few weeks…
NP: No Boundaries – Adam Lambert.Nung past few weeks, napapadalas ung pagkakaroon namin ng communication ni Cake. Pwedeng naguusap kami personally, pwedeng sa text, pwedeng sa chat. Basta I don’t want to be specific. Basta. Tpos may isang topic kaming laging napaguusapan. Hndi ko na sasabihin about saan. Then biglang—BOOM! Nagkaroon cya ng breakdown or downfall and bigla na lang cyang naging cold sakin. Not really cold. Pero nafifeel ko nang iniiwasan nia ako. Hindi ko sure kung iniiwasan nia ako. Pero mukhang. Tinry ko cyang kausapin kanina. Pero wala akong nakuhang response. -_- I don’t feel good about it… “Just when you almost gave up everything…” Hay. Favorite part ko sa version ni Adam ng no boundaries. Kasi talagang napapakita na “don’t give up. There’s no limitation…” like that. Tpos may birit pa. Hay. Okay. I already get over the fact na Kris won over Adam. But it’s the song. XD okay. Ne’ermind.
NP: Paparazzi – Lady Gaga.Tapos, gagawa na ako ng editorial para sa BD dahil mas malaki na ang space ngaun. may meeting pa ang DAL. Manonood kami ng Drumline sa sabado. Hindi ako makakanood ng EB ibig sabihin (awts). Drumline. Napanood ko na un eh. Okay lang naman. Ang galing mga marching bands. I wonder kung magagaya ba namin ung disiplina sa mga tumutugtog dun. Speaking of—okay, wag na lang. XD May gusto rin sana kasi akong sabihin. Ibang person naman. Pero iba ung situation sa kanya. Hindi rin maganda ung feeling ko dun. Pero wala akong karapatan na ma-feel bad. Dapat cya nga ang mafeel bad. Kasi feeler. Basta. Feeler. -_-
NP: Fingerprints – Katy Perry.So ayun. Umuwi akong lumong lumo dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngaun. First, walang kwenta ung visual aid ko kanina sa OP. Second, ang baba ng score ko sa World Histo (oo, mababa un para sakin. I know masyado akong perfectionist but I WANT HIGHER THAN THAT! Need to review -_-). Third, short na ako. I mean. Kunti na lang pera ko. Pero nakabili pa rin ako ng Turon. XD Fourth, ayun nga, ung lumalayo sakin na hndi ko na sasabihin kung guy ba o girl, or the other way around XD. Fifth, projects and assignments: ung greek mythology. Kelangan pa pala ng Picture; mas mataas daw ang grade pag may pic -_-; gagawa na ako ng editorial para sa BD. Tungkol saan?! (anong direction ang tatahakin mo, left o right? XD adik). Sixth: si daddy. Ung totoo kong daddy. September na. No news pa rin from him. Sabi nia kasi ngaung September cya uuwi. But no date. Grr… Baka naman paabutin pa ulet ng October! GRRR!!! NO !!!!
NP: Love Drunk – Boys Like Girls.Okay. Wala na akong malagay. Sige. Maglalagay pa rin ako. Tungkol naman sa mga nangyari kahapon. Merit Card Awarding. 090909 din pala kahapon. Okay, 09092009. Ewan ko. Talagang feel kong hndi pumasok kahapon, di dahil sa masama ung panahon o dahil sa masakit ung katawan ko kasi tumugtog kami sa CEA nung Tuesday. Pero dahil nga sa Merit Card. Wala akong merit. Dahil sa OP. Tumataginting na 84. Grr. No. actually, may iba talagang reason kung bakit feel kong hndi pumasok kahapon. Alam niu naman un, debah? Kung kilala niu ako since second year malalaman mo un. Pero, you know what good about yesterday? Bukod sa 090909—I mean 09092009 kahapon, I don’t feel anything bad about the awarding. Really. Kahit ilang beses tumugtog ung BK. I dunno. Natuwa ako kung pano sila nakakapagrolling using their left hand (powtek, left nanaman). XD And. Ewan ko ba. Basta hndi ako nalulungkot kahapon.
NP: Dumbstruck – Call me when I’m 18.“EVERYONE’S OBSESSED WITH YOU AND I CAN’T BREAK THROUGH”—line mula sa Dumbstruck. XD so ayun nga, hndi ako nalungkot khapon kasi bukod sa nagbigay kami ng Standing Ovation sa mga taga-porbuk na merit, suspended pa ang klase. And marami pa akong nabiling SUMO. Isang PACK. XD Grabe. Pero hndi ko rin naubos kaya pinamigay ko na lang. Hehe. So ayun. Maaga akong nakauwi para makanood ng—EAT BULAGA! YESH! Paolo’s there. Hehe. Nakablue nga eh, debah?! XD Oh well, I carefully look at his face nung napagusapan na ung about sa sinabi niang bouncing baby girl.
NP: You Belong With Me – Taylor Swift.XD basta. But anyway, back to today. Napansin ko lang na naka-four pages na pla ako!! I can’t believe it. Ganun na pala kahaba itong tinatype kong blog post for today na ewan ko ba kelan ko mapopost. XD Grabe. You belong with me. Nakakarelate tlaga ako. Pero hndi na kay chuchu. You know. Or you don’t. XD “Can’t you see that I’m the one who understands you?”—grabe. Karelate tlaga. XD Sinong hndi? XD Anyway, don’t want to talk about my personal life muna. Kasi hndi maganda buhay ko ngaun, pano pa kaya kung un ang paguusapan?! Grabe. Lumong lumo na ako. My life would end without a smile on my face—wtf. Ano un?! XD
NP: Without you – Busted.Well I guess eto na ang last song na mailalagay ko rito na pinakikinggan ko. Kasi mageeklavu eklavu muna ako. Fanfic and everything. XD Sige sige. Thanks for reading this long long long yet meaningless post. I know it’s meaningless unless you found it interesting na parang gusto mo pang mapakinggan ung buhay ko hanggang sa mamatay ako. XD Hala. Ano nanaman pinagsasabi ko?!?!
Babye na nga. Baka maloka na ako.
P.S. I CAN’T BREATHE WITHOUT YOU.