Oh, you might wanna know: visited my blog since last year.

araceli, candice, cathrel, czarlaine, dan, daniel, eileen:b, felicia, iman, janelle, jewjew, jhoi, jiayi, kylie, leonille, nika, pamela, sylvia, yikthong, yingying, zehr

book-forum, american idol, blogskins, drama wiki, facebook, facebuko, fanfiction.net, friendster, google, hotmail, idol forums, fanfiction.net, mcfly philippines, google, sum41, twitter, wikipedia, youtube

credits

xo xo xo xo xo xo

Highs and Lows (post for June 21, 2009)
Sunday, June 21, 2009 @ 7:19:00 PM
Ayun. Nagtatype nanaman ako sa laptop ko ng new post para sa blog ko. Anyway, nung Friday pala, wala. Hehe. Basta. Gusto ko lang imark. Siguro dahil sa kahit anong oras na, nakauwi ako ng magisa (weee, naglakad ako sa Teresa at nagjeep magisa!!! INDEPENDENCE DAY!!! XD). Ok. At saka naglinis kami ng Room nila Iya and Erika, kahit hindi sila cleaners tinulungan nila ako :D And—at saka nagkaroon din kami ng “b-c-apple” & “Spin the Padlock” sa loob ng IT Lab. Kami nila Mia, Larah, Iya, Jinni, Erika, and Joelle. Si Joseph naman tagakinig ng mga pinagsasabi naming XD Tapos ayun, dapat kasi magmimeeting lang kami about sa BD. Eh wala, napagtripan. XD Thanks kay Iya, tinulungan nia akong makalusot. Hehe. Basta. XD

Tapos, ayun. Hehe. The next day, CAT orientation. Nung pinalipat kami sa room ng Alpha, wala lang. Hehe. Yun (ang gulo ko ba? Hehe) . Tapos nung break, nagtataka ako bakit tinatawag ako ni Bb. Cruz. Naisip ko baka nandun si Nanay para dalhan ako ng lunch. Nandun nga si nanay, pero hndi para sa lunch. Kundi aalis kami, papuntang Tarlac, para kunin yung mga pinadala ni Mommy para samin. Wah. Nagkalat ako. Basta. Yun. Parang ayoko na tuloy pumasok bukas at magpakailanman sa school. :( Anyway, ayun, umalis na nga kami papuntang Tarlac. Saan saan na kami dumaan, sa Dangwa, sa Laloma, etc. Tapos nakarating din ng NLEX. Ayun, dun nagsimula yung mga kaechosan. XD May nakita kasi akong Truck, yung isang pair ng gulong nung truck na yun, “nakalutang.” Nakatitig lang ako dun, nagtataka ako bakit nakakaandar pa rin! XD Yun pala, parang reserve lang yung mga gulong na yun! Chorba! Adik XD Marami kaming nakitang ganung truck. Mga tatlo (marami na yun) XD.

Then ayun, hehe, (pasensya kung puro “ayun” and “tapos” and “basta” yung post ko. XD), nakarating din kami ng Tarlac. Ang dami naming nadaanan na lubak lubak na daan. Nakakaloka. Tapos yung bahay na pinuntahan namin (mga four kami nakarating sa bahay), ang ganda. Gusto ko yung design. Yung bamboo thingy. Ang ganda. Basta. Tapos ang tahimik. Chorba. Then… ayun, binigay na yung mga pinadala. Bubuksan ko na. Tumawag si Mommy. Ang lakas ng ulan. XD Chorba, tinatamad ako magbigay ng details masyado. Then umalis kami, malakas ang ulan, tapos yung dinaanan naming nakakatakot, walang kailaw ilaw. Meron kaso ang lalaki ng distance. Nasa likod pa naman ako! Kaya nakakatakot lumingon. Nagjokan na lang para maging magaan naman pakiramdam namin. Hehe. Tapos ayun, nakarating din kami ng Hi-way. Yehey! XD Sa hi-way, may nakita kaming Baka. XD Wala. Natatawa lang kami sa tawag ni nanay sa baka: “KABAW!” XD KALABAW ata akala ni nanay. Eh baka yun. XD Wala. Nakakatawa lang. Hehe. Tapos ayun, nagstop over kami sa “Luisita.” Yun ata yung sinasabi nilang Hacienda Luisita. Nasicr na kasi ako, kaya nag-Jollibee muna kami. Sabi ko nakakahiya naman kung makikicr lang kami dun. Tapos ayun, sabi ng tita ko bili na lang ako ng French fries. Pagkatapos kong mag-cr, nagulat ako, hindi lang French fries inorder ni tita, may burgers, at ice creams pa! Kaya nagpabili na rin ako ng ice cream at burger. Tapos ayun, naghintay pa kasi nagbilihan din sila nanay ng mga pagkain. XD Tapos ayun, kinain na namin yung French fries, XD yung second cousin ko, nung kukuha cya ng ketchup (refill), tinapat nia lang yung lalagyanan ng ketchup sa refiller! XD Parang akala nia automatic yun! XD Wala. Nakakatuwa lang din. Tapos bumalik na kami ng sasakyan. Binuksan ko na ng tuluyan yung pinadalas. Ayun, nandun nga yung albums ng Rooney and Tokio Hotel. Yes! May album na ako ng Rooney and Tokio Hotel!!!!!! YEY!!!! Tapos binalik ko na sa lalagyan kasi aalis na kami.

Ayun, yung tito ko, dumaan sa “SCTEX.” Bagong expressway. Subic-Clark-Tarlac. Chorba. Ay, wait, dun pala yung baka! XD KABAW!!! Okay, ayun, back to SCTEX. Ang haba. Nakakatkot. Kunti lang din kasi yung dumadaan. Bago lang kasi. Tapos, may exit dun na may nakasulat “NLEX.” Nagtataka ako ng bonggang bongga bakit hindi lumiko si Tito! Tapos, ayun, sabi ko “Hala, lumagpas na tayo sa NLEX exit! Papunta na tau ng Subic! Hala!!!” Kasi tapos na rin kaming dumaan dun sa Clark exit kaya ang bagsak naming Subic! Wah! Nabadtrip na ako. Chorba. Kasi walang likuan or something kaya tuloy tuloy lang si tito. Ayun na nga, nakarating na kami sa dulo ng SCTEX. Sa Bataan. Wah. Chorba. Tapos ayun, may mga bahay bahay naman kaya hindi masyadong nakakatkot. Kung saan na kami nakarating, chorba. Ayun, nakatulog ako. Paggising ko, narinig ko na ang bagsak naman namin this time, sa Angeles. Kaya mejo okay na. Nakatulog ako ulit. Nagising ulit at nasa NLEX na kami, AT LAST! Yes. Hindi ko nga lang alam paano. But at least, nandun na rin kami sa tamang daanan. Natulog ako ulit. At nagising, of course. Ayun, nandito na kami.

Tapos ayun. XD

Pasensya na tlaga kung ang daming “ayun,” “basta,” “tapos,” atbp. XD Hehe. Oo nga pala. Pupunta kami ng Alabang ngaun (hopefully), naghihintay na lang sa tita namin na bumili lang ng magic sing sa SM. Ang tagal nga eh!

Anyway. Ayun. Hehe.

p.s. ang cute ni Tom Kaulitz. XP


+ add comment (0)