Last March 22 pa pala ang latest post ko dito sa blog ko. Sorry blog. Naging busy lang tlaga ako. Err... "busy." Well, naging busy sa Forum ng Book. Hehe.
http://bookforshort.forumakers.com . :D Okay... actually hindi ko maalala lahat ng nangyari sa buhay buhay ko... wait..
Hmm... oh, so yun, buhay pa rin ako (sayang). Akala ko nga lalagnatin ako ngayon kasi paggising ko super lamig, at siguro dahil sa yun nga, tinext ko si Kuia Chorba kahapon (I said Congratulate, masama ba? actually kahapon para akong ewan dun eh. Hindi siya natawag tapos biglang binulong sa akin ni Iya bakit wala raw si *lagay niu rito real name ni Kuia Chorba XD* --yeah, seriously, akala ko nga alam nia, pero wala cyang alam, phew! pero... hehe... bsta congrats.. XD) --pero kahit na... errr... naiilang tuloy akong dumaan sa room nila (katulad kanina XD, nakailang daan pa, sa harap at sa likod XD).
Okay, iba naman.. hmm...
err.. ayoko talaga magkwento ng mga nangyari, I mean, katulad ng sinulat ko sa diary ko nung May 2007 na kung anu ba yung almusal ko nun, anong oras ako natulog, nakanood ba ako ng Gokusen 2, etc. Hmm...
Okay, sige sige, eto na...
Tomorrow, possible na last chance ko nang makikita yung mga fourth year (iiyak na yan.---err.. wag muna). I mean, yung batch kasi nila, iba. Iba sa batch nila nanay Mylove, iba sa batch na sinundan nga ng batch na gagraduate ngaun. Kung icocompare din sa batch namin, iba tlaga sila.
Paano ko ba maeexplain?
Okay, ikwento ko na lang nangyari kanina... May meeting ang DAL. Election na ata. Tapos yun, sa may music room kami. Nagkaroon nga ng election. Katulad ng planned naming mga third year na DAL, si Marianne ang new president ng DAL at si Mommy Joan ang Vice President (pero wala sa plano na ako ang Costume Custodian, dang). Tapos yun, pinalabas na ni Sir Jarin yung mga fourth year. Nung time na yun, dun ko narealize na super kulang tlaga ang DAL pag wala sila. I mean, hindi kumpleto ang High School Life ko kung hindi ko sila nakilala. Because, aside from being a senpai to us, they also become our friends, parents, teachers... inspiration... and family... Kung merong mang ka-batch ko na walang mararamdaman sa pagalis ng mga Fourth Year ngayon like natutuwa kasi magkacollege na sila at nalulungkot kasi nga hindi na natin sila makikita, yun yung mga taong sadyang walang pakialam. Basta. Kahit kunting lungkot at saya ok na yun, at least may paki ka... kasi nakasama mo sila sa JS... kasi naging ate at kuya sila satin pag nasa school tau-kahit pa nga sa labas ng school eh... *chorbucks tlaga...*
Hay... I know I should think positive na kaya naming, kahit hindi talaga katulad nila exactly, kahit maipakita lang namin sa lower years ngaun or mapadama sa kanila kung ano ang feeling ng may ate at kuya na nandyan para tulungan ka sa mga problems mo at para iassist ka at turuan ng mga bagay bagay...
*CHORBUCKS TALAGA!*
Ayoko na, maiiyak ako. Kung anu ano na pinagsasabi ko. Parang habang tinatype ko yung mga natype ko na sa taas, walang laman ang utak ko kundi "aalis na sila." As in. Wala. Hindi ko na nga iniisip kung may sense pa ba yung mga sinasabi ko ngaun dito kasi nga, bukas na, aalis na sila ng High School. Hindi ko na sila makikita ng madalas. Kami na yung mapupunta sa kalagayan nila ngaun.
Chorba tlaga. Ano ba yan. Masama naman ako kung sasabihin kong sana hindi na lang sila grumaduate... pero mahirap tlaga... lalo na kung 3 years mo silang laging nakikita, 2 years silang nakilala, at 1 year silang naging close (gets niyo?). Siguro dapat maging happy nalang din ako para sa kanila, kasi, after 4 years ay gagraduate na rin sila at pupunta na sa next book ng kanilang buhay.
Hay... Ngayon ko lang talaga narealize na super tama sila daddy at mommy. Na yung mga nangyari sau nung Elementary, wala lang yung mga yun, let's just say sa isang Book, parang Introduction lang. Kasi yung introduction, wala, nagsisimula ka palang, simple palang ang buhay, napaka-inosente pa kasi ng mga isip isip ng mga tao nun. Kasi nga bata pa. Pero yung susunod na pages sa book na yun, nandun yung story, yung climax, yung conflict, nandun lahat ng importanteng bagay. And yung part na yun ng Book ay yung High School Life mo.
Ang chorba ko tlaga ngayon. Siguro dahil lang ito sa super depression. Chorba talaga... super, super, as in super super mamimiss ko yung mga fourth year ngayon. Actually gusto ko pumunta sa graduation nila bukas para makita silang umakyat ng stage, kunin yung diploma nila... hay nako! ang emo ng dating ko ngayon.. (np: want me like that- james bourne)
"if I were a boy... then I'm a gay.."
"if others can... them I'm not others..."
wala. ice breaker lang. kahit papaano gusto kong ngumiti kahit na bukas ay graduation na nila. hay... naalala ko tuloy nung Science Quiz Bee. Hinding hinding hindi ko tlaga makakalimutan yun. November 13. November 13 2008. Second day ng foundation day. Nagusap kami ni Kuia Chorba for the very first time..
hay... nandito na lola ko... papauwiin na ako... sure..