Sunday na. Bukas, Monday, may pasok na. WAAAA!!! And halos matagal din akong hindi nakakapagblog. Reason? Don't ask. Makikita naman sa last posts ko na super miserable ako ngaung sembreak, pero swerte na rin at umuwi sila mommy noong... err... kahapon (kaumaga, specifically, err, the term -.-) actually. Well, ganito kasi yun:
October 31, 10:30 ng gabi ang expected na arrival nila mommy. Yun, sinacrifice ko ang panonood ko (hindi ko nasaksihan ang pagkakatanggal kay Jace sa SP, hehe & yung part 2 ng BG special, sayang) para lang sunduin sila mommy. Tapos, nakarating kami ng airport ng mga 10 ng gabi, pero kahit gabi na marami pa ring tao. As in, marami. Marami talaga. As in, wala na kaming ibang pdeng pag-parkingan ng sasakyan kundi sa likod/harap ng iba pang sasakyangang may proper na parking place. Gets?? Yun na yun. Tapos, wala kasi kaming magawa ng pinsan ko (ngaun ko lang napansin na ilang beses ko na nabanggit ang pinsan ko, pero iba iba.. err.. basta), err, si pinsan no. 6, yun, nagpatugtog kami gamit yung cellphone kong hanggang ngayon ay naka-locked pa rin (buti nga pde pa magpatugtog eh! Err... yun nga lang ang pdeng gawin). Then, malapit nang malowbat yung cp ko kaya nagpsp na lang, eh na bored. Tapos, 10:30 na, wala pa rin sila, chorva chorva, sleep sleep ako para makatulog, toinks. Err... hindi, nakatulog naman ako pero sandali lang. Nagising ako sa mahiwagang tinig ni nanay (lola ko). Sila kasi ni tita yung nagaabang talaga (ako kasi, nagaabang din pero sa sasakyan, sila, dun mismo sa arrival chorva, gets?) Tapos.. yun na nga, dumating na sila akia. buti na lang at hindi mas matangkad sa akin si akia. Hehe.. at least halata pa na ako ang ate at si akia ang bunso. Hehe... tapos yun, inglesan, as expected. Ang banat ko sa bawat pangiingles sa akin ni akia? "Magtagalog ka!" Hehe... ang chaka ko talaga noh. Hehe... tapos yung tono pa nung pagsasalita ko ay parang nanenermon. Hehe... ang chaka ko talaga. Tapos..
Yun, nagutom sila Akia. Eh, anong oras na sila dumating, mga 12:30 na. Tapos grabe, as in kunti na lang ang tao. Pero nung mga 10:30 ang dami pang tao pero nung nakarating sa sasakyan sila mommy, grabe, as in super kunti na lang ng tao... anyway, tapos, yun, kumain kami sa McDO, since yun lang ang nakita naming bukas na kainan. Tapos, pagbaba ko ng sasakyan, sakto, sa taas ko, nakita ko yung stars namin ng mga pinsan ko. Hehe... siguro may koneksyon dun ang Mcdo, hehe... bigla kong naalala. Matagal tagal ko na ring gustong kumain sa Mcdo kasi natatakam ako sa commercial. Hehe... then, yun, kumain kami, tapos nagkaroon kami ng deal ni akia at ni pinsan no. 6 na hindi kami matutulog at magpaparty all night kami. Hehe..tapos, yun, paguwi, errr... mga 3 na kami nakauwi. Grabe... yun. chorva. the end of the day. Errr... at hindi rin natuloy ang deal namin kasi pinatulog din kami ni mommy, hehe..
Then, yun, errr... actually, kanina ko pa natype itong post na ito. Ang problema, hindi na save! Kaya yung mahaba kong post kanina, nahati! Errr... sayang talaga, ang haba na nun eh. Nakakainis... err... anyway, next kong sasabihin sana ay nasa sahig ako nagtatype pero ngaun, nasa kama na kasi kanina hindi ako pinayagan ni mommy na maglaptop sa kwarto pero ngaun nandito na nga ako. Err... nakalimutan kong sabihin na gamit ko na ngaun yung laptop ko. Hehe... dba, sosyal... hehe... may laptop na ako... can u believe it... hehe.
Oo nga pala, before I forgot, gusto kong i-special mention si daddy. Yung totoo kong daddy. Hehe... naikuwento kasi ni mommy na pinupuntahan ni daddy itong blog ko. Hehe.. daddy!!! HELLO!!!! Hehe.. uuwi na nga pala si daddy bukas. Kaya nga hindi ko alam kung papasok ba ako bukas or hindi kasi nga susundo kay daddy (mga 5:45 ata yun ng umaga...)... pero sila na nagdecide na pumasok ako since sasama rin pala pauwi ng sta. mesa sila mommy at si akia.. hehe.. iwan nga raw si kuya kenneth (si pinsan no. 1) eh.. hehe.. para may kasama si lolo ^o^
Ok, bago ko tapusin ang post kong ito, naisip ko lang sa mga past posts ko, yung mga last last posts, ginagamit ko yung nasa end ng thank you ni Tom (ng mcfly, of course) sa Motion in the Ocean, yung Ba Mush. Tapos, sa iba naman, hindi man parehas pero dun ko nakuha yung idea, kay dougie ko kinuha, yung thank you nia naman sa Room on the Third Floor. Kay Dougie, Done., pero sa akin End. Ngayon, err, kahapon, pagkatapos kong basahin ang pakahaba-habang thank you ni Tom sa radio:ACTIVE (DELUXE EDITION!!!! YEAH!!!), ang makikita ko lang pala sa huli ay... err...:
To Infinity and Beyond!