Jeez, I can't believe it!!! Ang second day ng Foundation day ay naging isang panaginig at parang ayoko nang magising... Hehe... ok, ganito na lang, kaninang umaga, nagising ako ng mga 5:30 am kahit naka-alarm ng 5 ang cellphone ko. Hindi pa rin naliligo si Pinsan #3 at si pinsan #5 ay hindi pa rin umaalis kaya late nanaman ako sa pagpasok. Buti na lang at dumating si Tito at pumayag na ihatid kami papunta sa PUP since dadalhin din namin yung oven toaster sa bahay. Pagdating, yun, IT agad ang pumasok sa isip ko. Naalala ko tuloy na kasali pala ako sa IT Quiz Bee. Tapos dumating si ma'am Via para matanong sa kanya kung anong oras magsisimula yung Quiz Bee. Sabi ni Ma'am, 9 daw pero kailangan mga 8:30 nasa IT room na.. pag kulang daw ng isang member ay disqualify na kaya kinabahan ako kasi 3 palang kami, si Anne, Fatima, at ako. Tapos biglang dumating si Musngi bago mag-8:30... wala pa rin si Toni Mae. Pumunta na kami sa IT Room kahit wala pa cya tapos lumipas ang ilang minuto, dumating na cya kaya ok na. Tapos, yun na yun, IT quiz bee na!!! My gosh, grabe, nakakatense, akala ko maglalaban laban kami ng mga 4th year. Buti na lang at hindi. Kakampi pala namin ang Pink or ang 4 oftek at 1 prospe. Tapos yun, akala namin talo kami kasi lamang ang white at black (wow) team ng 1 point pero pagdating ng 2nd round. Yes. Panalo kami. Kami ang overall champion sa IT Quiz Bee pero hindi pa nagtatapos ang delubyo (jokes). Kami na nga ang panalo, pero paglalaban-labanin kami ni Ma'am for the sake of the exemption sa 3rd quarter exam. First, ang maglalaban, kami at ang fourth year. Obvious naman kung sino panalo, ang pink. Second, paglalaban-labanin ulit ni ma'am kasi nga, 2 lang ang mae-exempt, yung first at second. Halimaw yung nanalo. I forgot his name but he deserves it pati yung runner up. Then, yun, paglabas naming lima sa IT (ako, si Anne, Fatima, Musngi and Toni Mae), para kaming mga lasing na tuwang tuwa sa pagkapanalo. Pagdating ng room, ok lang naman ang mga balita kahit papaano, 4th place si Jonah sa Spelling Bee, 2nd place naman si Juryl sa Gen. Info, at magsisimula palang ang Bible Quiz Bee. Nanood kami nila Mia at Riane sa Bible Quiz Bee and I'm so amazed to Joelle. Super kaunti lang ang mali ni Joelle kaya wala nang alinlangang cya ang panalo. Then, yun, kumain na kami, tapos, pumunta kami ng koop kasi naikuwento ko kanila Mia na parang kasali sa isang banda churva yung nagbebenta ng Ice cream. Tapos kumain na nga kami, errrrmm... basta... yun, pagkatapos naming kumain, tinamad kaming bumalik ng LHS at nagkwentuhan kami tungkol sa DAL. Hay... sino kaya ang next President ng DAL????
Ok fine, nevermind, next thing, Tiangge chorves. Yun na. Erm... actually, tinatamad akong magkwento tungkol sa Tiangge. Gusto ko lang sabihin na masarap ang binebenta ng BD, lol. Ok, so next, Math Quiz Bee, nagsimula na ang panaginip kong unexpected. Late na kaming nakarating sa Venue kasi, erm, nakalimutan ko na kung bakit. Tapos, yun, sumilip silip ako. Cyempre sure ako na nandun si Mr. Hi. Nakita ko nga, kaso hindi ko sure. Eh hindi nga kami nakapasok kasi late na, nainip ako kaya bumili muna ako ng pizza sa JK tapos nadaanan ko si Joy, tinanong ko sa kanya kung sino ba yung **********. Tapos yun, kinonfirmed nia. Cya nga. Then, yun, natapos ang Math Quiz Bee at nanalo si Palor. NExt, Science, ang main event ng panaginip. First, nakapasok na kami ni Mia, and dun kami sa may likod nakaupo. Tapos, tinutukso ko si Krizzia kay Seatmate na usual ko nang ginagawa tuwing maguusap sila. Tapos, nabanggit ko na MSC kami ni mia, eh narinig ata ni Ma'am Rivera kya pinagbantay kami. And I'm so chilled, thrilled, excited, weird, ewan, nung malaman ko kung saan ako magbabantay. Tapos may narinig na akong mga "Aika, aika.." chorva mula kanila Joy na nanonood din sa may kabilang gilid. And super grabe, hindi ko alam kung ano reaksyon ko, ngaun pa nga lang habang tinatype ko ito'y super init ng pakiramdam ko. Tapos, nagtagal ng nagtagal, nagsimula nang magdaldal si Mr. Hi. Grabe, ang daldal talaga, lol. Tapos may time na nahulog yung kakapiranggot na questionaire---erm--basta, yung papel na naglalaman ng question nung time na yun, eh, bawal pulutin nung contestant, kasi baka sabihing nangdadaya cya, kaya kinuha ni mr. hi tapos inabot sa akin and i'm so, gosh, thrilled. Ewan, basta. Ewan, basta.. tapos may narinig akong ingay kay Araceli na parang may ubo nanaman cya (lol). Then, yun, nagdadaldal pa rin cya. Hanggang sa kinausap ako ng madalas niang daldalin nung time na yun. Actually, kung babae lang si Mr. Hi ay bagay sila nung kinakausap nia, JOKES. Haha... hindi, jokes lang, ang chaka kasi nila eh. Anyway, ibang topic na yun, continuation: yun, tapos, bigla nia akong kinausap tapos ewan, hindi ko na matandaan ano sinabi nia pero siguro may koneksyon sa Teams chorva kasi pagkatapos nia akong kausapin, tinanong nia sa binabantayan kong laging gutom (lol) kung magkateam ba kami... then, yun, natapos ang Quiz Bee sa pagkakaroon ng Tie-breaking round between a 4-oftek na binabantayan ni Araceli at ni Lloyd. Nanalo yung taga-oftek. And ang 1st sa Science quiz bee ay si kuia Sergio, 2nd ay yung taga-1-prospe (halimaw... grabe..), at yun na nga yung 3rd, yung taga 4-oftek. Tapos, yun, paglabas, I, FREAKED OUT. I mean, kung anu ano na ang pinagsasabi ko dahil sa mga kalokohang nangyari nung Science Quiz Bee. Grabe, kung pde lang talaga magingay dun kanina ede kanina pa ako walang boses. Lol. Tapos, back to reality, erm, ahem, jokes.
Sa ibang parte naman ng LHS, may mga nagpapalo sebo. Nakailang ulit na nga, wla pa ring nakakaabot ng flag sa tuktok. Hanggang sa, dumating ang 5 or 5:30 pm, I dunno what's her name, pero may isang 1st year ata yun na nakaabot ng flag kahit kunti lang ang support and the whole LHS is like jumping, shouting, tears of joy--jokes, at iba pa. Then, yun, pauwi na kami ni nanay, naisipang mag-jollibee, kahit super, duper sakit na ng paa ko. Pagdating sa Jollibee, saktong pagupo ko'y nagbrownout. Yikes. Naghintay kami ng ilang minuto kasi baka magkaliwanag pa pero dahil wala, umalis na lang kami. Paglabas namin, akala ko magkakailaw sa Jollibee pero walang nagbago. Paglabas din, nasabi sa akin ni nanay na mag-SM na lang kami at dun na lang ako kumain and here... nasa Netopia na ako. And tapos na rin ako kumain... Hay... What more can I say?? Friday na bukas, yey... erm.. may seminar.. *_*
End.
P.S. Someone, is, now, a little bit, more, mysterious.