Kahapon, papunta kami ng Alabang, pero bago pa kami pumunta ng Alabang, dumaan muna kami ng mahabang, highway I should say. Tapos, dumaan kami dun sa may Magallanes, wala. Wala lang. Tapos, sabi ko, kain muna kami sa Jollibee, sa may SLEX na yun. Tapos, may internet dun. Ok lang, mali. May computer lang dun, walang internet. Tapos, may kasama kami, let's just call her "Monica", lol. Feeling nia, cya ang may ari ng buong Jollibee. correction, ang kanyang bahay ay sa gitnang cubicle lang ng cr ng jollibee na yun. Lol. Hahahaha. Basta, marami pang nangyari. Tapos, sa Alabang, yun, hndi ko na sinayang oras ko at nagburn na ako ng bagong cd. Ang yun, blah. Tapos, next kaming pumunta sa may Las Pinas, hndi ko alam kung sino ang pupuntahan nla dun. Napasama lang kami kasi nga dadaan sa Alabang. Tapos, a relative pala.. wait, yung last name. UGH! Basta, masyado ng private. Then, umuwi na kami, wait.. ANG BANYO. Tama, pumunta naman kami dun sa may Star Mart sa may Osmena Ave. May banyo dun, hala, pasaway tlaga itong si Monica. Pati yung lababo, yung gripo, napagkamalang tube ng something. Lol, bumili na rin kami ng food, yun, binili ko, kitkat, yummy, ang pinakafavorite ko. Then, ok, here it is. Ano nga ba ang mga not so ready to mention na ngyari sa akin ngaun??.. hmm..
First, may tugtog ang DAL, hala! Parang katulad lang nung sa Sixth Floor sa Claro. Nonstop! Ang sakit sakit na tlaga ng kamay namin pati braso sa kakapukpok, palo, laglag ng bar at turnilyo, at kung ano anu pa. Tapos, pumunta kami sa may Oval. Salamat, nakapagpahinga rin ang DAL. Tapos, bglang yun. Ewan. Basta. Tapos, kumain kami ng Sandwich, with Water. Tapos, ok, ok, talikod tau mga DAL! Then, pagkatapos tumalikod sa mga taga-Coabte, tanggalan na ng gulay sa Hamburger. Tapos, pinapatugtog na kami ulit. Naisip naming tugtogin ang Taktak. Inisip ko na lang na tutugtogin ko un para kay atkins, lol. I remember that last last last Saturday. Tapos, grabe, nakakatuwa! Gustung gusto nla at pinapaulit pa nla! ^_^ Tuwang tuwa ang ibang taga-dal. Lol. Pagkatapos ng pagpapraktis sa amin ni sir bilang adviser ng dal (lol), ngaun din namin tlagang naappreciate na ok lang ang DAL. Then, pabalik na kami ng DAL House, may Sunkist. Orange. Tapos, pagbalik namin sa room, kunti lang ang tao, yet, kasi break na. Tapos, inannounce na maroon ang susuotin sa Valentines, sabi un ni ate lorraine. Tapos, wait, Ang daming TAPOS! Nagpunta pala kami ng Faculty para ipasa ko ung assignment sa Filipino at ung sa composition sa English, sabi ni ma'am del, bukas na lang kami magpasa, ede, ok. Then, nagreview kami para sa Bio, wait! Ung Biology notebook ni Marianne naiwan sa loob ng DAL--at nagsimula ang search for the Osteoclast Man. Nasa kanya ang susi, ang mahiwagang susi! Hinanap namin, hanap, eh ang hirap hanapin ng ganun katangkad na tao (lol), kaya pinaabot na lang namin, hanggang sa, ngek, nasa Music Room pala. Tapos, nung PA na, wala sila ma'am ninna, nakita namin siya dun sa Coabte, tapos si sir dennis, nandyan sya pero may pinuntahan ata. Kaya walang PA. tapos, nagreview kami buong PA period. Lol, ang pinakabagong spell, with feelings, latissimus doris--sabay turo sa part malapit sa rib bone, lols. Pero ang pinakamatindi na spell, na mas may feelings pa ata kung si sir mendio ang magsasagawa, ay... gluteus maximus! Sa mga nakakaalam, alam niu na saan ituturo ang daliri. lol. Ang landi naman ng ganun! ang choge! Tapos, may Math, may Stats, may Tiangge pala, Bio?! WAA! Nakakaloka, hndi ko alam ung iba lalo na ung sa tissue, ung sa bandang una ok lang--slight. Tapos, kami keyboarding ngaun, ok lang, bsta, ok lang tlaga, bsta. Pero ang Subject na tlagang napaisip ako, Health. Tungkol sa gender, *sigh*. Unang sabi ni Sir, wag daw namin i-judge kung ano ang kasarian ng isang tao. Kaya nasa isip ko, ok, fine. Never judge what he really was, what?! Then, biglang sinabi ni Sir na bakit nagpapambabae ang isang lalaki kung hndi naman cya bakla--talagang napaisip ako. Pero normal naman siguro un sa isang artista pero, iba kasi ung sa kanya eh. May issue. May issue--wait, hndi ung issue sa jpd. Basta, may issue. Kaya nga nakakainis kasi bkt napapaisip pa ako sa mga ganyan samantalang hndi naman nia ako kilala. *Sigh* Anyway, pagkatapos nun, blah blah blah. Sige, un na lang, pinagmamadali na ako!
"Giving up second chance is not giving up forever... but giving up third chance is like giving up another expectation..."--wala lang