Habang nasa loob ako ng banyo kani-kanina lang, napansin ko agad ung pinto, haha, ung kulay nia kasi, parang ung chocolate coating sa mga ice cream, $#!+, nakakatakam... kaso hndi pde kainin, hnid naman un pagkain, at ang sagwa kumain, habang nakaupo sa truno, L.Y.
Anyway, kakapanood lang namin sa mga pictures na kinuhaan ni daddy sa Korea. Grabe, inggit ako sa mga Koreano, kahit ganun ung mga bahay nila (oo, kahit ganun, at ganun, kahit na ano man ung ganun), HALOS wala kang makikitang dumi o kalat o basura. For sure, compare it to Philippines, hays, don't ask.
Meron pa, ung technology, napansin ko, sa mga pictures na un, nakakaagaw pansin ung mga lighting buttons, flat screen compu, may mga screen ung mga machine, hndi na HALOS kailangan ng man power, wait, there's more, let's just say, sa United Kingdom, wireless ang internet nla, linya daw sa bahay, pero ang mabagal na internet sa kanila, ay ang mabilis nainternet sa atin. Nakakahinayang lang, dahil, hindi natin na mamalayan na ang "high-tec" natin, ay ang pinaglipasan na ng mga taga-ibang bansa (never include countries who were, not that, lower than our country pagdating sa technology), tulad na lang ng UK and US. Wait, internet na rin naman, nakakaagaw pansin lang ang Friendster and MySpace. Dito sa Pinas, and other parts of Asia, sikat na sikat ang Friendster, pero, halos wala pa akong nakikitang official na band profile sa Friendster (I dunno know, baka ung sa South Border sa kanila tlaga un, lol). Puro add lang tau ng add, ginagawa ang sarili natin na mga fan ng mga artists etc. daw. Pero, sa ibang continent, like Europe and US, sikat ang MySpace, which turned na doon ay maaaring mapatunayan na ang mga band etc. profiles dun ay talgang official (example na lang natin ang McFLY-yun tlaga una, Panic! at the Disco and Fall Out Boy (na mayroong over 1 million fans and still growing sa MySpace), and marami pang iba). Nakakahinayang lang, ulit, na tayong mga taga Asia na tumatangkilik sa Friendster ay naniniwala agad sa mga banda "raw" na profile na official samantalang ang mga taga-ibang bansa, kahit magkaiba sila ng bansa ng ibang bands/artists, ay pde nla itong ma-get-in-touch through MySpace... Hays... Ano ba namang buhay ito!? Kelan ba tau makakahabol Gloria?! Gising!
Ibang usapan, feeling ko nasa CR ako, or Confession Room, nakino-confess lahat ng gusto kong iconfess (so whatever what the meaning of Confession is! I had a poor vocabulary!). Ang atmosphere dito sa bahay, walang ilaw, ang nagpapaliwanag, lamp, computer, tv, Christmas lights, at ang mga glow-in-the-dark na chuvang nakadikit sa pader dito sa kuwarto. And worst, nakapatay ang aircon, nakaoff ang electric fan, nakabukas ang bintana sa likod ko, at nakasweater pa rin ako. Hays... ano pa ba pdeng iconfess kung saka-sakali para naman magkaroon ng saysay ang post na ito?... ay.. un... buti na alala ko...
Ang lolo ko, kahit matanda na at medyo hirap ng maglakad, marami pa ring naiikuwento sa amin, nah, hndi cya puro pamahiin or something like supernatural, mga kikuwento sa amin ni lolo lagi ay mga sa tingin natin ay katotohanan, pero kung iisipin, ay maaaring hndi talaga totoo. Ngaung Pasko, sine-celebrate natin ang kapakanakan ni Jesus Christ, ang founder ng Christianism. Pero, "pano nla nalaman na ang birthday ni Jesus ay sa Dec. 25?", un ang tanong sa akin ni Lolo. Napatunganga ako, hindi ko alm ano isasagot ko. "oo nga noh..."--un ung nasa isip ko. Eto pang isa, "Pano nila nalaman kung ano ang itsura ni Jesus Christ?" tanong ulit ng lolo ko. Sabi nia pa, ang lahat ng iyon, tulad ng reason why we celebrate during Dec. 25, ay gawa gawa lang daw ng mga Espanyol. Wait, naalala ko na sabi rin sa akin ni lolo na ang dahilan kung bakit pinatay ang GOMBURZA ay dahil daw sa hindi naniniwala ang tatlong martyr na un sa mga pinagsasabi ng mga Espanyol. Grabe, bigla akong napatunganga tlaga, as in, I'm so much speechless at that time and all I can do is to listen on what my grandpa will say (nosebleed). Hays... and ang pinakareality na narinig ko galing sa lolo ko, na may koneksyon sa tunay na itsura ni Jesus Christ--diba sabi ni Jesus, wag maniwala sa mga diyos-diyosan, eh, kung hindi naman tlaga alam ng mga kastila ang tunay na itsura ni Jesus, at ang mga litrato nia na meron ngaun ay gawa gawa lang ng mga Kastila, bakit pa sila lumuluhod sa mga litrato at istatwa na nilalako lang ng mga tao ngaun?? Grabe...
Pagkatapos namin magusap ng lolo ko kanina, diretso agad ako dito sa tapat ng computer, at walang sawang inisip ang tungkol sa sinabi sa akin ng lolo ko...hanggang sa binuksan ko ung tv rito sa compu, lol, nakita ko ang aking bagong "siya". Hays... just like what I say on the last post, haha... lol.
Hays... medyo naging seryoso ako sa post na ito, manibago kau, oo na, manibago kau, pero tandaan niu ito, si Nicole Aika Arrubio Garcia pa rin ito, Sophomore Student sa PUPLHS, section II-Loyalty, nakatira sa Pilipinas, Insular Southeast Asia, Asia, Earth, Milky Way, and anywhere in the Universe! Blah!
(And yet, naapply ko ung mga natutunan ko sa keyboarding dito, nagtatype ako using the proper fingers, naks, nosebleed, WAKE UP! GABI NA!)
Blah!