Okay... may nag-request na i-start ko na ung story... :::~:::~:::~:::~::: Monday morning, first day of class ng mga students ng Harmonica University,maaga gumising ang leading character ng story na ito, si Michelle. Si Michelle ay isang freshman, hindi siya katulad ng iba pang freshman because siya, excited na excited for her first day on college life, she doesn't care about her new teachers and classmates, kasi ang gusto niya lang naman ay matuto. Pagkagising pa lang niya, punta agad siya sa banyo... alam niyo na kung ano yun... tapos punta sa kusina, kain ng almusal, nagayos na lahat lahat, hanggang sa dumating na ang school bus. Michelle's step-mother: Hindi halatang hindi ka excited sa school Michelle: Ayoko kasing maging late sa first day of class, it's such a shame you know Michelle's step-mother: Well, nandyan na ung school bus, good luck na lang sa iyo! And before I forgot, nakabili na ako ng ticket papuntang Israel... may binigay na akong duplicate ng susi ng bahay sa iyo kahapon Michelle: Ngayon na po ba alis niyo?? Michelle's step-mother: Mamayang hapon na, pabayaan mo na ako, parang hindi ka na nasanay, intindihin mo yung sarili mo, at saka male-late ka na, sumakay ka na dun Michelle: Sige po... bye Sumakay na si Michelle sa bus. Nung una, hindi niya lang pinapansin ang mga nakasakay sa loob pero nung nasa loob na siya mismo... parang "OMG" na lang ang kanyang reaction nung makita niya ang mga tao sa loob. Mga 'bullies' na ng aasar ng mga geeks, mga kikays na ngumunguya ng bubble gum na may iba't ibang kulay, mga papel na eroplano ay lipad ng lipad, mga bintanang may mga sulat sulat, at may driver na... mukhang walang pakialam sa nangyayari sa kanyang likod. Naghanap na lang ng bakanteng upuan si Michelle hanggang sa may nakita siyang bakanteng upuan. Kinausap niya yung lalaking nasa tabi lang nung bakanteng upuan. Nung lumingon na yung lalaki, si Michelle, napatulala. Ang kanyang puso'y nalaglag sa isang 100-floor na building, nahulog sa isang manhole, at na-realized na na love at first sight siya sa isang stranger! Hindi na makasalita si Michelle... hanggang sa ang lalaki na mismo ang nagsalita... Boy: Um... yes? Michelle: Um... puwede bang makiupo? Boy: Sure, why not Michelle: Thanks... Halos hindi na talaga makapagsalita si Michelle sa sobrang tulala sa lalaki. Naisip ni Michelle na wala pa ata siyang kakilala sa kanyang bagong school kaya nag-decide siya na kausapin na yung lalaki. Michelle: Freshman ka rin ba? Boy: Yup, kaw din? Michelle: Yup. Well, wala pa akong kakilala sa Harmonica. I'm Michelle and you are? Boy: Christopher but don't call me Christopher because it sounds old. You can just call me Chris. It sounds better. Michelle: Okay, kinaliligaya kong makilala ka Chris. Chris: Kaw din And back to business. Si Chris ay nakasilip lang sa bintana habang si Michelle ay tulalang tulala kay Chris... hay, in love na talaga siya sa isang lalaking hindi niya pa gaano kakilala. Pagkalipas ng mga 54 minutes na biyahe, sa wakas at nakarating na rin sila sa Harmonica University. Pagkababa, halos parehas na parehas lang ang theme ng school nila sa theme ng school bus. Ang magulo't masayang buhay ni Michelle sa music ay malapit ng magsimula... ~~~*~~~*~~~*~~~*~~~ To be continue... bwahahahahahahahahahaha! Mga kailangan abangan (May ganun pa?!): ---Malapit ng pumasok sa scene ang iba pang cast! ---And yet, malapit na ring bumigay si Chris...hmm... Yun lang muna!